Tag Archives: wikang pambansa

Eksaminasyong Pisikal

9 Aug

Kahapon ay halos buong araw akong nasa klinika at sumailalim sa iba’t ibang klaseng pagsusuri sa buong katawan at maging sa kaisipan.

Para sa hindi pa sumasailalim sa ganitong proseso, kung ikaw ay mapapasok sa isang malaking kumpanya bilang, o kinakailangang makakuha ng pahintulot na bumisita o manirahan at magtrabaho sa ibang bansa, kailangan mong gawin ito. Ginagamit nila itong batayan upang sukatin ang inyong kakayahang magtrabaho nang maayos at matiwasay.

Nakakatawa/nakakapag-alala lamang kahapon at may mga nakasabay akong unang pagkakataon. May bahagi kasi na kinakailangan mong ipakita ang lahat-lahat nang iyong pinakatago-tago at susuriin pa nila ang mga bahaging ito ng iyong katawan.

Ang pinakamahirap na pinagawa ay yung pangkaisipan dahil ito ay nakalimbag sa wikang Filipino. Dudugtungan mo ang mga kataga ng mga 50 pahayag upang gawing buong pangungusap. Bagamat Filipino nga ang una kong salita, dito ko natantong ang iba kong nasa isip ay mas madaling ilarawan sa wikang ingles. Kaya’t nung hingan ng sariling talambuhay, nakiusap na akong magsalaysay sa ingles.

Advertisements

LINGGO NG WIKA RAW!

23 Aug

Sa huling araw at gabi ng aking “Linggo ng Wika” –

Ipagpatawad ang aking matagal na pananahimik.  Lamang ay wala lang talaga akong masabi.  Ganun pa rin naman ang buhay ko, trabaho, bahay, bulakbol (biyahe, kain, inom, pasyal, sayaw, kanta, daldalan, kape).

Kung magtatanong ka ng buhay pag-ibig, kapatid, panahon na siguro upang matanto mong, kung hindi ako siguradong patungo sa kasalan ang aking kasalukuyang mga kalandian, wala akong maibabahagi sa inyo.  Ibalato niyo na lang muna yun sa akin ha.  Salamat sa inyong pang unawa at suporta.

Mas lalo lang pumayapa nung dinagdag kong kaibigan sa Facebook ang aking mga katrabahong pangkasalukuyan.  Ibig sabihi’y kailangang bantayan ang mga bawat masasabing pangyayari sa buhay at mga larawang nakapaskel.  Hehehe.

Pinag-iisipan ko ang magandang paraan upang ipagdiwang ang aking nalalapit na namang kaarawan.

1. Tabas ng tiyan (Liposuction)

2. Biyahe

3. Kung anu-anong bilihin – bestida, bag, sapatos, relo, kuwintas, hikaw, relo, telepono, printer, wireless router, nintendo wii

4. Wala – bawa’t araw namang natatanto kong buhay pa pala ako ay isang nakatutuwang regalo – akalain mo nakatatagal pa ako ng ganito 

5. Di ko pa naisip baka may iba pang magandang bilhin/gawin/puntahan

Ikalawang Ramadan.  Mas maraming oras na makakapagmuni-muni dahil mas kaunting oras lamang ang trabaho.  Lagot.  Malamang Nintendo Wii na ito.  Hehehe.

%d bloggers like this: