Tag Archives: Filipino language

Buwan ng Wikang Pambansa, Ramadan, Si Cory, Isang Kaganapan at Isang Magaganap

1 Aug

Kaunting paumanhin sa mga banyagang makakabasa nito na hindi marunong gumamit ng mga teknolohiyang magsasalin ng mga salita sa wika na kanilang nais.

Ito na ang ikaapat na taon kong “panata” na mangusap sa ating pambansang wika, ngunit sa mga nakaraang taon, Linggo ng Wika lamang siya kaya mas madali.  Bakit ko siya ginagawa?  Wala lang?

Paliwanag para lalong madiin:  Mabisa itong panglibang kung masyadong teknikal ang aking gawain.  Naikukubli ko ang aking poot sa aking banyagang kinaiinisan dahil hindi niya ako maiintindihan.  Para siyang magsasanay ng pagiging malikhain para sa akin.  Kahit kumportable ako sa wikang ingles, napagtanto ko sa mga taong ito na masarap ring manatili sa sariling wika, kaparis ng mga Arabo, Indyano, Intsik, Pranses at iba pang mga bansang sikat ang lengguwahe.  Kung lahat ng mga salita ay may pagsasalin sa Filipino, matutuwa ako.

Kaya lang, mapapanindigan ko kaya ito? Abangan.

Di ako masyadong natuwa nung mga nakalipas na 2 Ramadan na nasa Muslim na bansa ako dahil natapat ito sa aking kaarawan.  Di kami masyadong makapagsaya dahil ang aming mga kapitbahay ay nagtitika.  Ni hindi ako makapagdala ng kaunting handa sa opisina dahil pasok siya sa oras na bawal kumain o uminom man lang ng tubig na makikita ng nangingilin.  Kailangan patago.  Bagaman nakakatakot ang mga kalsada dahil ang mga nagmamanehong nangingilin ay parang mga hibang sa gutom at uhaw papunta sa mga iftar, masaya pa rin makisalo sa kanila at ang kanilang mga salaysay ukol sa pagdiriwang na ito sa mundo ng ating mga Muslim na kapatid.

Ngayon din ginugunita ang ikalawang taong kamatayan ng Dating Pangulong Corazon Aquino. Di man ako lubusang natuwa sa lahat ng kanyang ginawa at tinuran, nakakabilib pa rin ang kanyang mga nakamtan bilang isang babae, isang asawa, isang ina, at pangulo ng bansa.

Ang kaganapan na tinutukoy ko sa aking huling paskil na may temang pulitika ay nangyari sa aking kaibigang nagtatrabaho sa ibang bansa. Nagkataong siya at ang kanyang banyaga ring kaibigan ay namamasyal nung may demonstrasyon na natampok sa mga pandaigdigang lathalain at telebisyon. Sila ay may dalang mga camera kaya’t nanguha sila ng mga litrato.

Makaraan ng dalawang linggo, sila ay dinampot ng militar. Walang kasong ihinabla ngunit kinumpisa ang kanyang camera at binura ang mga kuha nung demonstrasyon at sinabihang huwag ikuwento ang ginawa sa kanila kahit kanino, lalung-lalo na sa nagbabalita. Pinakawalan ang aking kaibigan ngunit ang kanyang kasama na mula sa isang bansa sa Europa ay nakapiit pa rin hanggang ngayon. O di ba nakakatakot?

Dun ako sa bansang yun tutungo sa mga darating na araw upang pansamantalang manirahan at magtrabaho. Yun ang magaganap. Nyahaha.

Babalitaan ko kayo sa mga susunod na pangyayari. Susubukan kong lumayo sa gulo sa abot ng aking makakaya, pangako!

Advertisements

LINGGO NG WIKA RAW!

23 Aug

Sa huling araw at gabi ng aking “Linggo ng Wika” –

Ipagpatawad ang aking matagal na pananahimik.  Lamang ay wala lang talaga akong masabi.  Ganun pa rin naman ang buhay ko, trabaho, bahay, bulakbol (biyahe, kain, inom, pasyal, sayaw, kanta, daldalan, kape).

Kung magtatanong ka ng buhay pag-ibig, kapatid, panahon na siguro upang matanto mong, kung hindi ako siguradong patungo sa kasalan ang aking kasalukuyang mga kalandian, wala akong maibabahagi sa inyo.  Ibalato niyo na lang muna yun sa akin ha.  Salamat sa inyong pang unawa at suporta.

Mas lalo lang pumayapa nung dinagdag kong kaibigan sa Facebook ang aking mga katrabahong pangkasalukuyan.  Ibig sabihi’y kailangang bantayan ang mga bawat masasabing pangyayari sa buhay at mga larawang nakapaskel.  Hehehe.

Pinag-iisipan ko ang magandang paraan upang ipagdiwang ang aking nalalapit na namang kaarawan.

1. Tabas ng tiyan (Liposuction)

2. Biyahe

3. Kung anu-anong bilihin – bestida, bag, sapatos, relo, kuwintas, hikaw, relo, telepono, printer, wireless router, nintendo wii

4. Wala – bawa’t araw namang natatanto kong buhay pa pala ako ay isang nakatutuwang regalo – akalain mo nakatatagal pa ako ng ganito 

5. Di ko pa naisip baka may iba pang magandang bilhin/gawin/puntahan

Ikalawang Ramadan.  Mas maraming oras na makakapagmuni-muni dahil mas kaunting oras lamang ang trabaho.  Lagot.  Malamang Nintendo Wii na ito.  Hehehe.

Tax Season

15 Apr

Moving from http://lodrose.tripod.com/opinyon.htm

~~~~~

It’s tax season again! Did you pay your taxes, or do you pay taxes?

Why should we? What’s taxes for? To line the pockets of our corrupt/inutile government officials? To pay for the airplane fares of our travelling President(s)? Or for whatever cause the Budget Department would allot?

Via Microsoft Word, I learned that words that could replace tax are BURDEN, DUTY, RESPONSIBILITY. Such strong words, but again, why is this burden placed upon us?

I am probably biased with this as it has become almost second nature for me to suspect the government’s judgment in dealing with money. Not because of current events which would back up this idea. Though I think it’s not the government actually but more of the people running it.

The BIR claims these taxes are for the people. See the MRT, the flyovers, and the so-called projects of the government, local or national? These, they claim, is where our taxes go. Then how come when we see these “projects” being built, it has a sign that says “this FACILITY is brought to you by the “honorable” government official. YOU should be thankful.”? Sounds to me like he’s telling us that the money used to make the facility came from his frigging pocket! The nerve!

Or in some cases, the “projects” are substandard (in Filipino: kinupitan o mas cheap na gamit ang nilagay) and would have to be rebuilt again (another source of “kupit”).

Ganito na ang tono ko. You may think I’m not into paying taxes anymore. Sorry to disappoint you, pero law-abiding pa rin naman ako pagdating sa buwis. Ipokrita ba? Nde ah. Kse naman it’s automatically deducted from my kakarampot salary eh. Kainis nga.

Pero kahit ganito ang tono ko, I am still hoping, HOPING, that somehow the taxes that we pay do return to us in terms of real benefits. Yung walang naaapi, walang agrabyado, walang mahirap.

Ha? E di komunista na pag ganon! Ayoko naman yata. Balita ko parang mas grabe pag komunista. Walang mahirap at walang mayaman. Grabe!

E papaano naman tayo mang-iinggit ng kapwa kung pare-pareho tayo ng estado sa buhay? And what would our reason for striving if things are like that? Nde rin exciting no?

Ugh, whatever.

%d bloggers like this: