Realization #11 – Kaligayahan

27 Aug

Kung hindi ka masaya kasama ang sarili mo, hinding-hindi ka magiging masaya kahit sino pa man ang maging kasama mo.

Ang kaligayahan para sa akin ay ang pagiging madalas na masaya.  Ang pagiging masaya naman ay makakamit kung mayroon ka pang pangarap sa buhay, kung ang buhay mo ay may kahulugan na totoo sa sarili mo, at may kakayahan at lakas ka pang harapin ang mga pagkakataong di lubos na saya ang dulot ng mga kaganapan sa buhay mo.

Sa sobrang dami ng impormasyong ating nakakalap sa makabagong panahon, kung minsan ay parang nakakalito kung ano na ba ang mahalaga – ang malaman o ang magamit ang kaalamang ito upang maisabuhay ang pagdadagdag kabuluhan sa ating buhay.

Nakakalito rin ang mga “batayang” naglalabasan kung ano ang bubuo ng isang perpektong buhay at ang para-paraang ginagawa ng mga tao sa pagnanais na makamtan ito.

Ako?  Malay!  Hahaha.  Inaalam ko pa rin.  Parang nakakatakot nitong huli na para akong nauupos, pero andito pa ako, siguro’y magandang senyales yun :-p

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: